Nakapagtala ng pinakamataas na heat index sa 47 °C ang Dagupan City sa Pangasinan.
Ayon sa PAGASA, ang sangley point sa Cavite ay nakapagtala ng heat index na 46 °C samantalang 44 °C ang heat index sa Clark Airport sa Pampanga.
Kapwa nakapagtala naman ng 43 °C na heat index sa Ambulong, Batangas, Aparri, Cagayan, Iba, Zambales at Tuguegarao 42 °C naman ang heat index sa Casiguran, Aurora, Laoag City, Masbate City, Pasay City, Quezon City at Sinait, Ilocos Sur at 41 °C ang temperatura sa cupi point sa Subic at Davao City.
Ibinabala naman ng PAGASA na ang heat index mula 41 °C hanggang 54 °C ay magdudulot ng heat cramps at exhaustion bukod pa sa heat stroke kung magppatuloy ang physical activity sa sobrang init ng panahon.
Dahil dito pinayuhan ng PAGASA ang publiko na manatiling nasa loob ng bahay, magsuot ng maninipis at light colored na mga damit at regular na uminom ng maraming tubig.