Sa halip na bukas, Setyembre 13, inanunsiyo ng Dagupan City Local Government Unit (LGU) na sa Oktubre 4 pa magbubukas ang klase sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.
Batay sa executive order o EO no. 29, binanggit ng LGU na kasama sa postponement ang lahat ng school activities na nangangailangan ng face-to-face interaction at mass gatherings gaya ng pamamahagi ng self-learning modules at iba pang mga aktibidad na maituturing na health risk.
Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 1,000 kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Dagupan.