Walang duda na nakakaengganyo ang pag-browse sa internet, pero huwag kalimutan ang limitasyon dahil kapag sobra-sobra, talagang mapapasama ka. Katulad na lang ng tatlong magkakapatid sa Texas na nag-amok dahil lang pinatayan ang mga ito ng Wi-Fi.
Ang buong kwento, eto.
Isang gabi sa isang bahay sa Houston, Texas U.S.A., pinatay ng 39-anyos na may-bahay ang kanilang Wi-Fi sa hindi tukoy na dahilan.
Dahil dito, ang mga anak niyang babae na nasa edad 14, 15, at 16, pinagtangkaan na ang buhay niya.
Ayon sa Harris County Sheriff na si Ed Gonzalez, sinubukan daw saksakin ng magkakapatid ang nanay nila gamit ang kitchen knives at hinabol pa raw nila ito sa loob ng kanilang bahay hanggang sa kalye.
Hindi lang kutsilyo ang ginamit ng magkakapatid para maisagawa ang kanilang plano at gumamit pa ang isa sa mga dalagita ng brick na ibinato naman sa ankle ng kanilang nanay.
Nadamay din ang kanilang lola na sinubukan lang namang iligtas ang nanay mula sa masamang binabalak ng magkakapatid.
Bilang resulta ng pag-aamok ng dahil lang sa pinatay na Wi-Fi, inireklamo ang tatlong dalita ng aggravated assault with a deadly weapon at dinala na sa Harris County Juvenile Detention Center.
Ikaw, isa ka rin ba sa mga nag-iinit ang ulo kapag bigla na lang nawawala ang Wi-Fi?