50 Pilipino ang stranded sa Europe at South Africa dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID 19.
Ipinabatid ito ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Sarah Lou Arriola.
Umapela si Arriola sa mga nasabing Pinoy na makipag-ugnayan sa mga embahada at konsulado ng bansa sa kani-kanilang kinaroroonan para matulungan.
Kasunod na rin ito aniya nang inisyung notice ng DFA sa 20 embahada at konsulado ng Pilipinas sa Europa para sa repatriation flights ng mga Pinoy.
Binigyang-diin ni Arriola na mas kumplikado ang proseso sa mga panahong ito dahil ang mga Pilipinong mula sa red list countries ay dadalhin pa sa Netherlands bago sila makauwi sa Pilipinas.