Ang mga painting, sculptures, at digital art ang ilan sa mga tipikal na art forms na nakikita natin na naka-display sa museums. Pero ang isang direktor, may kakaibang paraan ng paggawa ng portraits.
Kung ano ito, alamin.
Aakalain mo ba na ang isa nang writer at film director gaya ni Niall Shukla ay kahanay na rin ang mga kilalang World’s Best Cracked Glass Artist ngayon?
Nagsimula ang paggawa ni niall ng physical art nang maghanap siya ng paraan upang i-detach ang kanyang sarili sa kaniyang pagiging direktor.
Ang glass art na ginagawa niya ay metikuloso raw ang proseso at kinakailangan ng sobrang pag-iingat dahil isang maling pagtama lang daw ng hammer at chisel na ginagamit para gawin ito ay agad na masisira ang imahe at mauuwi sa pagkaulit.
Aniya, ilang piraso ng salamin ang nagagamit bago ma-achieve ang portrait.
Agad namang nakakuha ng 4 million views si Niall nang ipost niya sa social media ang isa niyang likha makalipas lang ang apat na araw.
At nang sumunod na taon ay nakakuha siya ng 100,000 subscribers sa kanyang social media accounts at doon na siya nakilala bilang isang artist.
Si Niall ay isang self-taught artist at hindi inaasahan na magkakaroon ng successful na career sa paggawa ng glass art.
Ikaw, ano ang masasabi mo sa talentong ito ni Niall?