Iniatras na sa Setyembre 12 ang Career Service Examination ng foreign service officers.
Ito, ayon sa civil service commission, ay dahil sa enhanced community quarantine sa NCR mula Agosto 6 hanggang 20.
Magugunitang itinakda ang CSE-FSO exam sa Agosto 22 para sa mahigit 770 kukuha ng pagsusulit.
Aminado ang CSC na nakaapekto ang umiiral na ECQ sa kanilang paghahanda para sa nasabing exam.
Bukod sa Metro Manila partikular sa Quezon City, matatagpuan din ang ibang testing centers sa Bacolod City, Baguio City, Cagayan De Oro City, Cebu City, Davao City, Iloilo City, Legazpi City at Lucena City.—sa panulat ni Drew Nacino