Nagsumite na ng Motion for Reconsideration sa Court of Appeals ang mga abugado ng aktor na si Vhong Navarro kaugnay sa kinakaharap nitong kasong Rape na inihain ng Taguig City Prosecutors Office dahil sa panghahalay umano sa model stylist na si Deniece Cornejo noong 2014.
Ayon sa Counsel ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga, kinilala at inaksyunan na ng Korte ang motion for reconsideration ng kanyang kliyente at hinihingan ng kasagutan ukol dito si Cornejo.
Sinabi ni Mallonga na sa ilalim ng Rules of Criminal Procedure, maaring pigilan ang pagpapatupad ng isang desisyon sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration.
Malinaw ani Mallonga na maging sa pananaw ng Court of Appeals, hindi pa pinal ang desisyon ng korte at premature o hindi pa angkop ang pagsasampa ng kaso laban kay Navarro.
Sinabi pa ng Abogado, na dahil daw sa Mosyon ng kampo ng aktor kaya’t hindi itinuloy ni Taguig Regional Trial Court Executive Judge Antonio Olivete ang pag-raffle sa kaso para sanay masimulan na ang pagdinig hinggil dito.