Pansamantalang isinailalim sa lockdown nitong Martes ng umaga ang Pentagon dahil sa napaulat na pamamaril sa subway station na malapit lamang sa US military headquarters.
Ngunit bandang hapon ay binawi rin ito ng Pentagon Force Protection Agency.
Sa kabila nito, pinayuhan pa rin ng awtoridad ang publiko na iwasan ang metro rail entrance at bus platform area.
Sa ngayon, hindi pa malinaw ang detalye ng insidente at ayon sa ahensya, itinuturing pa rin itong active crime scene.—sa panulat ni Hya Ludivico