Umakyat na sa 8K katao ang inilikas ng awtoridad dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina sa Bicol region, maging sa Eastern at Western Visayas.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) spokesperson Mark Timbal, ang naturang bilang ay nahahati ngayon sa may 46 na mga evacuation center sa nabanggit na rehiyon.
Maliban aniya dito, may 24 na kabahayan din ang napinsala ng bagyo habang may mga lugar na rin ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos matumba ang mga poste dahil sa lakas ng hangin.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)