Namemeligrong pagmultahin ang mga provincial bus na nahuling lumabag sa ipinatutupad na window hours na nagdulot ng kalituhan at perwisyo sa mga pasahero.
Ito ang pangamba ng public transport practitionerna si Atty. Alexander Verzosa sa oras na maglabas na ng show-cause order ang LTFRB.
Pahirap anya ang ginagawa ng gobyerno na pinapupunta pa ang biyahero sa mga Integrated Terminal Exchange, gaya sa North Luzon Express Terminal (NLET).
Bagaman wala pang sinisingil ang NLET, pinuna rin ni Verzosa ang inirereklamong napakamahal umanong bayad sa naturang terminal dahilan kaya’t iniiwasan ito ng mga provincial bus.
Samantala, nanawagan namansi Verzosa sa gobyerno na wakasan na ang paghihirap ng mga provincial bus passenger na apektado ng window hours.