Malaki ang naging lugi ng mga lokal na magsasaka dahil sa smuggling.
Ayon kay Agot Balanoy, Public Relations Officer ng the League of Associations sa La Trinidad vegetable trading areas, naglalaro sa 2.5 milyong piso ang lugi ng mga magsasaka at pagbaba sa 40% ng orders.
Ngayong araw, nagsimula na muli ang imbestigasyon ng Senado hinggil sa smuggling ng agricultural products sa bansa.
Unang isinagawa ang hearing noong December 2021 kung saan pinag-uusapan din ang smuggled na Chinese vegetables. —sa panulat ni Abby Malanday