Nais malaman ng Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tinanggal ng mga mambabatas ng mababang kapulungan ang kasong rape sa mga krimeng maaaring patawan ng parusang kamatayan.
Ito ay makaraang drug related crimes lamang ang kasama sa mga papatawan ng death penalty na ipinasa na sa ikalawang pagbasa ng Kamara.
Ayon sa Pangulo, nais niyang marinig ang paliwanag ng mga mambabatas ukol dito.
Sa darating na Martes, inaasahang pagbobotohan na ng mga kongresista sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang pagbabalik sa parusang kamatayan.
By Ralph Obina