Pinunto ng veteran Sports Analyst na si Ronnie Nathanielsz ang mga dahilan kung bakit nabigo ang bansa sa pagiging host country para sa 2019 FIBA World Cup.
Ayon kay Nathanielsz, kabilang sa maaaring nakita ng konseho ay ang mabigat na traffic sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila, sira-sirang daan na kumokonekta sa mga ipinanukalang venue at ang hindi maayos na imprastrakturang maaaring pagdausan ng paligsahan.
Dagdag pa ni Nathanielsz kung nais ng bansang mag-host sa mga susunod na paligsahan, dapat umanong isama sa paglalaanan ng pondo ang pagpapagawa at pagasasaayos ng mga malalaking imprastraktura upang mas makaengganyo sa mga konseho ng iba’t-ibang paligsahan.
Kung nakuha aniya ng bansa ang bid sa 2019 FIBA World Cup, inaasahang malaki ang maitutulong nito sa ekonomiya at turismo ng ating bansa.
By Mariboy Ysibido