Opioid crisis.
Ito ang dahilan ng deklarasyon ni US President Donald Trump na National Public Health Emergency sa ilalim ng Federal Law.
Binigyang – diin ni Trump na ang adiksyon sa droga na Opioid ang pangunahing dahilan ng unintentional deaths sa Amerika na mas mataas pa sa pinagsamang bilang ng gun homicide o vehicular accidents.
Nais aniya niyang ang henerasyon ngayon ang magpalaya at tumapos sa tinatawag niyang opioid epidemic.
Gayunman, binatikos ang nasabing deklarasyon dahil sa anila’y kakulangan ng paninindigan at ebidensya dito.
Ang Opioid ay madalas na ibinibigay bilang pain killer, heroin at fentanyl o uri ng droga na sa limampu (50) hanggang isandaang (100) mas malakas sa morphine na nagdudulot ng overdose sa paggamit nito.