Masamang panahon ang natukoy na dahilan nang pagbagsak ng isang eroplano sa Myanmar noong isang buwan na ikinasawi ng mahigit isandaang (100) pasahero.
Lumalabas sa imbestigasyon na nawalan ng kontrol ang piloto sa eroplano nang lumapit sa maulap na direksyon ng kalangitan kung saan nabuo ang yelo sa pakpak ng eroplano kayat natigil ang makina nito.
Noong mga panahong na disgrasya ang nasabing eroplano ay panahon din ng monsoon sa Myanmar subalit hindi naman iniulat ang pagkakaroon ng sama ng panahon.
Ayon sa mga imbestigador, malinaw na walang nangyaring pananabotahe, pagsabog o engine failure sa naturang plane crash.
Magugunitang lumipad mula sa Myeik patungong Yangon ang Y8 transporter na gawa sa China at nag-crash sa Andaman Sea noong June 7.
By Judith Larino
Dahilan ng Myanmar plane crash na ikinasawi ng higit 100 katao natukoy na was last modified: July 20th, 2017 by DWIZ 882