Naniniwala si Senator Imee Marcos na duda ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa laman ng niratipikahang budget ng Bicameral Conference Committee para sa susunod na taon.
Ito, anya, ang posibleng dahilan sa pagpapaliban ni pbbm na lagdaan ang panukalang pambansang budget, kung saan nawala ang mga prayoridad ng administrasyon.
Tahasan ding tinawag ni Super Ate na ‘very very bad’ at labag sa konstitusyon ang proposed 2025 national budget.
Muli ring umapela si Senador Marcos na ibalik ito sa bicam upang mabusising maigi at maalis ang mga areglo, imbes na idaan lamang sa veto power ng Pangulo.
Aminado rin ang mambabatas na kinakabahan siya sa tila mali-maling ipinapayo sa kanyang kapatid, kaya’t panawagan niya sa mga taga-palasyo na huwag ipahamak ang Presidente.
Alam naman aniya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na nakasaad sa article 14, section 5 ng 1987 constitution na sa edukasyon dapat nakalaan ang pinakamataas na budget. – Sa panulat ni john Riz Calata