Natukoy na ang dahilan ng pag-usok ng tren ng MRT-3 sa Santolan Station (Northbound) nito lamang Lunes, ika-4 ng Nobyembre.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng Sumitomo-MHI-TESP, lumabas na short circuit ang naging sanhi ng pag-usok ng nabanggit na tren.
ALAMIN: Dahilan ng pag-usok ng MRT noong ika-4 ng Nobyembre sa Santolan Station (Northbound), natukoy na batay sa imbestigasyon ng Sumitomo-MHI-TESP | via @dotrmrt3 pic.twitter.com/YwxJxQhN7R
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 7, 2019
The cause of the incident was due to a short circuit in one of the traction motors (broken bearing cover),” ayon sa pahayag ng DOTr.
Kasunod nito, tinyiak ng DOTr na mayroon na silang binabalangkas na mga hakbang upang maiwasang maulit ang kaparehong insidente.
@dotrmrt3: (2/3) 2. Systematic checking of protective device during emergency and regular maintenance should be implemented.
3. Thorough cleaning of all electrical boxes like contactors, bus bars, connecting plates, main choppers, and adjacent parts.
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 7, 2019
Nanawagan din ang ahensiya sa publiko ng pang-unawa habang isinasagawa pa ang malakihang rehabilitasyon sa system ng MRT-3.
Samantala, inaasahan namang matatapos ang rehabilitasyon sa MRT-3, sa pangunguna ng Sumimoto-Mitsubishi Heavy Industries, sa Hulyo nang taong 2021.