Nilinaw ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao na hindi pera ang dahilan ng kanyang planong pagbabalik sa boksing.
Sa apat (4) na buwang retirement ni Pacquiao, sinabi nitong nasa boksing talaga ang kanyang puso dahilan upang hindi niya ito maiwan-iwanan.
Ayon pa sa Senador, ito aniya ang kanyang ginagawa simula pa noong siya ay bata pa at hangad din nito ang makapagbigay pa ng karangalan sa bansa.
Nangako naman si Pacquiao na hindi maaapektuhan ang kanyang trabaho sa Senado sa pagbabalik niya sa boksing.
By Ralph Obina