Mahigpit na binabantayan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang posibleng kaso ng speculative activities sa gitna ng paghina ng piso.
Ayon kay finance secretary Benjamin Diokno, tinitignang mabuti ang implikasyon ng paggalaw ng foreign exchange sa inflation.
Noong Biyernes nagsara ang piso sa 58.93 centavos laban sa dolyar, kung saan bahagyang humina ang piso ng 15.55% mula sa 51 pesos na nagsara noong Disyembre 31, 2021.
Samantala binalaan ng BSP ang mga merkado na huwag samantalahin ang piso.
Makikipagtulungan naman ang Bankers Association of the Philippines sa BSP upang mabawasan ang unproductive activities.— mula sa panulat ni Jenn Patrolla