Inamin ngayon ni Top Rank CEO Bob Arum na pera ang dahilan kaya’t napurnada ang rematch nina dating Eight Division World Champion Manny Pacquiao at Welterweight Champion Jeff Horn.
Ayon kay Arum, maraming ipinangako sa kanila ang DOT o Department of Tourism ngunit ayaw naman umanong gumastos.
Kung ganito aniya ang sitwasyon, sinabi ni Arum na mahihirapan silang mabayaran ang premyo ni Pacquiao bunsod ng mataas na halaga ng palitan ng piso sa dolyar.
Dahil dito, minabuti ni Arum na ipalaban muna sa iba si Horn kung saan kabilang nga sa napipisil ay ang wala pa ring talo na si Terrence Crawford.