Ipinaliwanag ng Department of Foreign Affairs o DFA kung bakit sa Armed Forces of the Philippines o AFP Custodial Center ipiniit si US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.
Kaugnay ito ng naging hatol ng Olangapo Regional Trial Court kay Pemberton kahapon kung saan homicide ang ipinataw sa Amerikano matapos mapatunayang napatay nito ang Pinoy transgender na si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude noong nakaraang taon.
Ayon kay sa tagapagsalita ng DFA na si Assistant Secretary Charles Jose, sinunod lamang kasi ng Pilipinas ang isinasaad ng Visiting Forces Agreement o VFA na kapwa nilagdaan ng bansa at ng Estados Unidos.
Ani Jose, batay sa VFA, dapat sang-ayunan ng dalawang bansa ang ibibigay na confinement o detention para sa mga US personnnel na mapatutunayang nagkasala sa Pilipinas.
Aniya ganito ang naging basehan at ini-aplay sa kaso ni Pemberton na kasalukuyang nasa Camp Aguinaldo.
By Allan Francisco