Ibinulgar ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang dahilan ng pansamantalang pagliban ng anak na si Andi Eigenmann sa showbiz.
Sa ngayon ay hindi na visible si Andi sa telebisyon at pelikula at kasalukuyang nakatira sa isang probinsyang malapit sa beach dahil surfing ang parehong hilig na sports nito at ng kasintahang si Emilio Arambulo.
Ayon kay Jaclyn, nais lamang ni Andi na ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya na pangalagaan ang karagatan.
Wala pa rin naman aniyang offer na natatanggap si andi para magbalik-telebisyon o pelikula.
Aminado ang veteran actress na nawalan ng panahon ang kanyang anak sa unica hija nitong si ellie noong abala pa sa paggawa ng mga teleserye at pelikula kaya’t nagdesisyon na pansamantalang lumiban sa showbiz.
Samantala, inamin din ni Jaclyn na wala pa namang napag-uusapang kasalan sina Andi at Emilio pero kanyang nilinaw na may kasal man o wala ay masaya siya basta’t nagmamahalan ang dalawa.