Iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog sa bahagi ng Caloocan City Police Headquarters.
Ipinabatid sa DWIZ ni Caloocan City Police Chief Senior Superintendent Jemar Modequillo na kabilang sa nasunog ang investigation section kung saan naroon ang mga dokumento hinggil sa mga kasong nakasampa sa kanila.
Kaagad aniya silang magpupulong kung paano na ang magiging sistema para maibalik ang mga ebidensya.
‘Yan po ang titingnan natin ngayon, magkakaroon po kami ng konferensya [conference] kasama ‘yung ating mga deputy at tsaka ‘yung ating mga investigator para matingnan natin kung how we can look at this.
Naniniwala si Modequillo na hindi sinadya ang nasabing sunog.
Nagsimula daw ‘yung sunog dito daw sa area ng… kasi dito daw sa bandang SOCO at tsaka sa may area ng press corps natin ay biglang umapoy daw doon at malakas, mabilis lang dahil ano naman kasi ‘to mga…. materials kasi ang mga nandidito kaya mabilis ka’gad kumalat ‘yung apoy at umapekto ka’gad dun sa katabi, ‘yung supply at admin natin.