Nagpaliwanag ang Malakanyang kung bakit hindi pa kasama sa ipinatutupad na travel ban o travel restriction ng Pilipinas ang China.
Ito ay sa kabila ng ulat na nakapagtala na rin ang China ng kaso ng bagong COVID-19 variant.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi isinasama sa travel watchlist ng pilipinas ang mga bansang hindi pa nagrereport o kinukumpirma sa international agencies na nakapagtala na sila ng kaso ng bagong variant ng coronavirus.
Aniya, kinakailangang ma-verify muna ng World Health Organization (WHO) ang sinasabing naitalang bagong variant sa mga naturang bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 27 mga bansa at teritoryo na ang kabilang sa listahan travel restriction ng Pilipinas.
Pinakahuling nadagdag dito noong miyerkules ang Portugal, India, Finland, Norway, Jordan at Brazil.
Kasi hindi pa po iyan narereport ng mga international agencies na kumpirmado, ang alam lang po natin ay media reports hintayin po natin ‘yung confirmation at kung meron naman pong confirmation syempre isasali rin sila sa listahan, as of now wala pa pong confirmation. Nakadepende po iyan sa joint recommendation ng DOH at DFA at hindi naman sila magrerecommend kung wala pong verification na may bago ng kaso doon sa mga bansang ‘yan″ ani Roque.