Nilinaw ni Health Secretary Francisco Duque III sa ulat sa bayan ng Pangulong Duterte kagabi , Enero 18, ang dahilan sa likod ng hindi agarang pagsasapubliko ng presyo ng bakunang bibilhin ng bansa.
Ayon kay Duque, sila ay lumagda sa isang confidentiality supply agreement ng bakunang pagbibilhan ng Pilipinas kung saan nakasaad na hindi maaari munang isapubliko ang ilang detalye ng COVID-19 vaccine.
Kami po ay nasasakupan nung confidentiality supplu agreement talagang hindi kami pwede magsalita kung magkano yung mga figures o halaga, yung mga data, yung volume”, pahayag ni Duque.
Dagdag pa ni Duque na talagang nagsisikap ang mga opisyal ng pamahalaan para maging maayos ang negosasyon ng bansa sa pagitan ng mga manufacturers.
Talagang nagpurpursige at nagpupunyagi ang inyong mga opisyal Mr. President na maging maayos po ang ating negosasyon″, ani ni Duque.
Paliwanag pa ng health secretary na oras na maisagawa na ang pagbabakuna sa bansa ay agad namang isasapubliko ang presyo at hakbang ng ginawa ng pamahalaan para sa pagbili ng bakuna.
Kapag ito naman ay nagsimula na ‘yung bakunahan at naroll-out na sa publiko, iyan naman ay ilalabas sa publiko,”pahayag ni Duque.
Samantala, nanawagan naman si Duque sa taong bayan na sana ay pagkatiwalaan nito ang pamahalaan.
Ang akin lang po ay sana pagkatiwalaan naman po natin ang mga opisyal ng gobyerno…Maniwala po kayo, magtiwala po kayo…Ginagawa po natin ang lahat para maisulong ang interes ng taong bayan,″ wika ni Duque.—sa panulat ni Agustina Nolasco.