Gimik lamang para kay si Sen. Antonio Trillanes ang dahilan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa pagtakbo sa pagka-pangulo sa 2016.
Sa isang panayam, sinabi ni Trillanes na kumbinsido siyang umpisa pa lang ay may intensyon na si Duterte na kumandidato sa pagkapangulo.
Drama lang aniya ang pagkwestyon ni Duterte sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) na nagsbaing natural born citizen Filipino si Sen. Grace Poe.
Ayon kay Trillanes, unfair umano sa taumbayan ang ginagamit ni Duterte na dahilan sa kanyang pagkandidato.
Plataporma at paglilingkod anya sa bayan ang dapat na batayan ng sinumang nagnanais maging lingkod-bayan.
Kailangan pang hintayin ng PDP-Laban kung papayag ang Commission on Elections (COMELEC) sa substitution.
Unang nakapaghain ng Certificate of Candidacy (coc) para sa pagkapangulo si Martin Diño na miyembro ng PDP-Laban. Sa pag-atras nito ng kandidatura, si duterte naman ang ipapasok ng partido para maging opisyal nitong kandidato sa pagkapangulo.
By: Mariboy Ysibido