Nasa Jakarta, Indonesia ang asawa ni car racer Enzo Pastor na suspek din sa pagpaslang dito.
Ibinunyag ito ni Tom Pastor, ama ni Enzo matapos ihayag na may mga hawak siyang mga dokumento na nagpapatunay na nasa Jakarta ang manugang na si Dahlia Guerrero-Pastor.
Ang mga dokumentong hawak niya ay base na rin sa surveillance na isinagawa ng CIDG, NBI, InterPol sa Indonesia.
Naninindigan ang matandang Pastor sa kaugnayan nina Dahlia at Domingo ‘Sandy’ de Guzman na una nang naaresto ng NBI sa Dasmariñas, Cavite gayundin ni PO2 Edgar Angel sa pagkamatay ng kanyang anak.
Tiwala si Pastor na ilalahad na ni de Guzman ang totoong nangyari sa nakatakdang arraignment dito bukas.
By Judith Larino