Hindi nakikita ng OCTA research group na aabot sa 30, 000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa kada araw sa buwan ng Setyembre.
Ngunit ayon kay OCTA fellow Prof. Guido David, hindi malayong papalo sa mahigit 20,000 ang maitalang daily COVID-19 cases sa bansa.
Aniya, sa ngayon ay mas mataas pa rin sa 1 ang reproduction number na naitatala sa buong bansa.
Base naman sa pagtaya ng OCTA, maaaring bumaba sa less than 1 ang reproduction number pagsapit ng Setyembre 13 o 14.
Una nang sinabi ng OCTA na sa kalagitnaan ng Setyembre ay inaasahan ang downward trend sa hawaan ng COVID-19 sa Metro Manila.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico