Bumagsak pa sa 2,139 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa na pinakamababa simula noong March 31, 2020.
Ito’y sa gitna ng bahagyang pagtaas ng daily COVID cases sa 195 na naitala ng Department of Health (DOH), kahapon.
Gayunman, ito na ang ika-4 na sunod na araw na mas mababa sa 200 ang naitatalang additional COVID-19 cases.
Maliban dito ay ilang araw na rin na walang naitatalang nasawi habang nadagdagan ng 297 ang bilang ng gumaling dahilan upang umabot na sa 3,625,704 ang recoveries.