Bahagya na namang bumaba ang daily COVID-19 cases sa bansa.
Karagdagang 1,555 daily COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health kahapon kumpara sa 2,001 noong Lunes.
Dahil dito, bahagya muling umakyat sa 38,315 ang aktibong kaso.
Sumampa naman sa 3,941,656 ang total caseload kabilang ang 3,840,492 recoveries at 62,849 deaths.
Nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 13,839; CALABARZON, 5,211 at Central Luzon, 2,791.
Samantala, nananatili ang Quezon City sa may pinaka-maraming COVID infections sa Metro Manila na 3,263.