Sa ika-apat na pagkakataon ngayong buwan, muling sumampa sa record-high ang daily COVID-19 cases sa bansa.
Batay sa datos ng Department Of Health, lumobo sa 34,021 ang additional cases na naitala kahapon dahilan upang umabot na sa 237,387 ang aktibong kaso.
Metro manila pa rin ang nangunguna sa may pinaka-maraming bagong kaso na 16,793 sa nakalipas na dalawang linggo, na sinundan ng Calabazon, 7,131 at Central Luzon, 3,745.
Umabot naman sa 4,694 ang karagdagang gumaling kaya’t sumirit na sa 2,802,286 ang recoveries habang nakapagtala ng 82 deaths kaya’t sumampa na sa 52,736 ang mga namamatay.
Sa kabuuan ay lumobo na sa 3,092,409 ang COVID-19 cases sa bansa.
Samantala, pitong laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos sa COVID-19 document repository system.