Karagdagang 1,858 na kaso ng Covid-19 ang naitala sa bansa kahapon kumpara sa 1,232 cases noong Sabado.
Ito’y sa kabila ng pagbaba ng positivity rate sa nakalipas na isang linggo.
Pinaka-marami sa mga bagong kaso o 349 ay mula sa Metro Manila kaya’t umakyat sa 19,176 ang active cases.
Nakapagtala rin ang Department of Health ng 5 additional deaths dahilan upang sumampa na sa 64,387 ang bilang ng fatalities.
Umakyat naman sa 4,018,000 ang total caseload kabilang ang 3,934,000 recoveries.
Samantala, nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinaka-maraming kaso sa nakalipas na dalawang linggo na 2,849; sinundan ng CALABARZON, 1,685; Western Visayas, 1,367 at Central Luzon, 1,011.