Inaasahang papalo sa 5,000 ang arawan at mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Marso.
Ayon ito kay Dr. Guido David ng OCTA Research group dahil sa tinataya nilang pagtaas ng reproduction rate na nasa 1.8.
Sinabi ni David na tila natatalo na ng mga aktuwal na kaso ang kanilang pagtaya.
Kung ang reproduction rate ay nasa 1.8, ipinabatid ni David na asahan na ang mahigit 4,000 kaso hanggang ika-31 ng Marso sa Metro Manila.