Posibleng pumalo sa “peak” na hanggang 2,000 ang magiging daily Covid-19 cases sa Metro Manila sa katapusan ng Hulyo.
Ito ang ibinabala ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire makaraang makapagtala ng kabuuang 3,198 new cases sa bansa simula June 14 hanggang 20 o average na 456 cases per day.
Ayon kay Vergeire, nasa 300 cases per day na ang naitatala sa ngayon.
Napansin anya ang pagtaas ng mga kaso sa buong Luzon at Visayas, pero nananatiling less than 80 ang average daily cases habang mababa ang trend sa Mindanao, na less than 40 ang average.
Umakyat din sa 3.1% ang national positivity rate na kahalintulad noong unang bahagi ng Marso.