Tumataas pa ang arawang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) subalit pababa na ang trend o reproduction number.
Ayon ito kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, matapos palawigin pa ng isang linggo ang pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Ipinabatid sa DWIZ ni David na mula 1.9 noong mga nakalipas na linggo ay naging 1.6 na lang —na nangangahulugang bumagal ang reproduction number na siyang speed o bilis ng pandemic.
‘Yung daily cases natin tumataas pa rin pero ‘yung trend natin pababa na. Ibig sabihin, ‘yung reproduction number natin bumaba na, from last week mga 1.9, ngayon 1.6 na lang,” ani David.
Nasa halos 20% na lamang aniya ang itinaas ng kaso subalit mas maganda kung zero percent lalo pa’t mayroong mga local government units na nakapagtala na nang pababang kaso ng COVID-19 tulad ng Pasay City.
Kasi may nakita tayong LGU na pababa na ‘yung cases nila kasama na ‘yung Pasay,” ani David. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais
Trend ng COVID-19 cases sa NCR Plus ire-reevaluate pa
Ire-reevaluate pa kung pababa ang trend ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngayong linggo sa Metro Manila at mga lalawigan ng Bulacan, Rizal, Laguna at Cavite.
Dito, ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group nakasalalay kung i-e-extend pa o hindi na ang pinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus.
Sinabi sa DWIZ ni David na bahala na nang mag-reevaluate o mag-recalibrate ang IATF na kung makikita nang pababa ang mga kaso ng COVID-19 ay puwedeng palawigin pa ang ECQ o ilagay na sa modified ECQ ang NCR Plus.
Binigyang diin pa ni Guido na hindi naman uubrang GCQ na agad-agad ang estado ng NCR Plus kahit pa makita ang downward trend sa kaso ng COVID-19. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais