Umakyat na sa mahigit 10.4 na milyon ang kabuuang COVID-19 cases sa South Korea sa gitna ng pagsirit ng mga kaso ng Omicron variant.
Sa datos ng Korea Disease Control and Prevention Agency, umabot sa mahigit 490,000 cases ang naitala kahapon, ang ikalawang pinaka-mataas na daily tally.
Kabilang na rito ang 291 deaths dahilan upang sumirit na sa 13,432 ang death toll.
Pinaka-maraming naitalang COVID-19 cases sa Seoul Metropolitan Area kung saan punuan na rin ang ilang crematorium at funeral homes.
Ipinag-utos na ng gobyerno na itaas ang kapasidad ng mga krematoryo at punerarya sa buong bansa upang ma-accommodate ang mas maraming bangkay.
Simula noong isang linggo, nasa isanlibo hanggang isanlibo apatnaraang bangkay na ang ikini-cremate sa South Korea kada araw.