Aabot sa 155 ang nasawi sa COVID-19 bawat araw noong Agosto, batay sa datos ng Department Of Health (DOH).
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nalagpasan ng nasabing bilang ang 135 na daily COVID-19 death noong Abril.
Posible anyang tumaas pa ang kasalukuyang death rate sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.
Kabilang sa mino-monitor ng DOH ang Metro Manila, regions 3, 4-a, 7, 2, 6, 1 at Cordillera dahil sa mataas na total deaths sa unang dalawang linggo ng Setyembre. —sa panulat ni Drew Nacino