Patuloy na bumababa ang daily growth rate ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) batay sa 7-day moving average ng mga bagong kaso.
Ayon kay OCTA Research Fellow Doctor Guido David, bumaba ngayon sa 3% mula 5% noong nakaraang araw ang growth rate.
Aniya, ipinapakita ng naitalang trend na posibleng umabot na lamang sa 15,000 hanggang 16,000 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa NCR bukas.
Samantala, sinabi ni Guido na bumaba rin sa 3.22 noong January 11 ang reproduction number o antas ng hawaan sa isang lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho