Hindi bababa ang daily living wage ng isang pamilya na may limang miyembro sa 1,100 piso sa karamihan ng mga rehiyon habang 1,900 sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni Executive Director Sonny Africa ng IBON Foundation na ito ang epekto ng inflation sa latest family living wage base sa kompyutasyon ng National Wages and Productivity Commission noong 2008.
Nabatid na inaprubahan ng regional wage boards ang pagtaas ng minimum wage sa ilang rehiyon, kung saan pinakamababa sa BARMM na 305 piso habang pinakamataas naman sa Merto Manila na may 570 piso.
Iginiit pa ni Africa na ang kasalukuyang arawang sahod sa BARMM ay 20% lamang ng family living wage.
Nasa 30 hanggang 40% naman sa ibang rehiyon habang sa National Capital Region (NCR) ay 50%.