Posibleng umabot sa 4,000 kada araw ang panibagong COVID-19 cases sa bansa pagpasok ng eleksyon sa Mayo 9.
Ito, ayon sa grupong OCTA, ay batay sa scenario ng humihinang immunity at kung papasok ang mga bagong variant.
Inihayag ni OCTA Fellow, Dr. Guido David na posibleng sumampa sa 1,000 ang bagong COVID-19 cases sa Metro Manila sa nasabing panahon.
Base anya sa karanasan ng Pilipinas, nagaganap ang COVID surge tuwing ikatlong buwan dahil sa mga bagong variant na maaaring pumasok sa bansa.
Dahil dito, binigyang-diin ni Vaccine Expert Panel Chairperson, Dr. Nina Gloriani ang kahalagahan ng pagpapabakuna at pagpapaturok ng booster bilang karagdagang proteksyon kontra COVID-19.