Patay ang isang dalaga sa Guinobatan, Albay matapos tuklawin ng ahas habang naliligo.
Kinilala ang biktima na si Jovielyn Cervantes, 18 taong gulang.
Ayon sa Guinobatan Municipal Police, naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay matapos turukan ng anti-venom treatment.
Samantala, hindi pa mabatid kung anong uri ng ahas ang tumuklaw sa dalaga. —sa panulat ni Mara Valle