Isang 14-anyos na babae mula Nueva Ecija ang nasagip matapos dukutin at gawing sex slave ng kanyang ka-chat sa Facebook sa loob ng 10 araw.
Naaresto naman ang suspek na kinilalang si Jerald Avenilla Porqueriño, 21- anyos, residente ng Quezon City.
Ayon kay Master Sgt. Virginia Balberona ng QCPD -Women and Children Protection Desk, magka-chat ang dalawa simula pa noong December 24, 2021.
Nahimok ang dalagitang makipagkita sa suspek noong Enero a-1 pero nang pauwi na ang biktima ay pwersahan itong isinakay ni Porqueriño sa Baliwag Transit at dinala sa kanyang bahay.
Gayunman, nakakuha ng pagkakataon ang biktima na tawagan ang kanyang mga magulang na agad namang lumuwas ng Metro Manila at nagpasaklolo sa mga otoridad. —sa panulat ni Mara Valle