Patay ang isang 14 anyos na dalagita matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Acacia St., Bgy. Pulanglupa Dos, Las Piñas City.
Sa imbestigasyon ng City fire station, unang sumiklab ang apoy sa isang bedroom ng bahay hanggang sa kumalat ito sa silid kung saan natutulog ang biktima.
Inaalam pa ang halaga ng mga napinsalang ari-arian, gayundin ang naging sanhi ng naturang sunog.