Isang 18 anyos na babae mula Malate, Maynila ang arestado dahil sa pagbebenta ng party drug na Ecstasy, sa Baguio City.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, natimbog sa buy-bust operation ang suspek sa tapat ng isang hotel sa Kisad Road.
Narekober mula sa babae ang 15 capsule ng Ecstasy, 25 tableta ng regulated drug Diazepam o Valium at apat na hiringgilya.
Kabuuang 50,000 Piso ang halaga ng mga nasabat na iligal na droga mula sa suspek.