Madaling tinapos ng isang 17-anyos na dalagita ang kaniyang buhay sa Sta. Fe, Leyte dahil umano sa sama ng loob sa kaniyang kasintahan.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, natagpuan nalang na wala nang buhay ang biktimang hindi na pinangalanan sa loob ng kaniyang kwarto.
Ayon sa nakababatang kapatid ng biktima, nakita na lamang niya ang kaniyang kapatid na nakabigti gamit ang pinagtagping kumot kung saan, pinaniniwalaang ang hindi pagbati ng kaniyang Boyfriend sa araw ng kanilang Monthsary ang naging isa sa mga dahilan ng pagpapatiwakal nito.
Isinugod pa sa pinakamalapit na ospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng sumuring doctor.
Sa ngayon, patuloy pang iniimbestigahan ng mga otoridad ang dahilan at kung ano ang nagtulak sa bigktima para magbigti.