Sinampahan ng kasong kriminal ang isang 19-anyos na dalaga sa Biliran province dahil sa pagpapakalat ng fake news.
Ayon kay Naval chief of police Major Ryan Delima, nahaharap sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang hindi pinangalanang college student na residente ng Barangay Langgao, Cabucgayan.
Nabatid na ini-report sa pulisya at ipinagkalat umano ng dalaga na dinukot siya ng mga naka-bonnet na lalaki na sakay ng isang puting van noong Agosto 20 sa bayan ng Naval.
Ngunit matapos ang serye ng imbestigasyon ay natuklasan ng mga awtoridad na nag-imbento lamang ng kwento ang suspek.
Bagama’t dumulog sa tanggapan ng alkalde ang estudyante at naglabas ng public apology ay tinuluyan pa rin ito ng mga pulis.