Inaresto ng mga otoridad ang dalawang indibidwal matapos magpakita ng pekeng vaccination card sa Cotabato City.
Ayon sa mga otoridad, nagtaka sila sa petsa ng 1st at 2nd dose vaccine ng dalawang suspek dahil sampung araw lamang umano ang pagitan nito na dapat ay tatlong buwan pataas.
Dahil dito, maghihigpit na ang lalawigan ng Cotabato sa mga vaccination certificate ng mga indibidwal.
Sa ngayon, nakakulong at haharap sa kaso ang dalawang suspek. —sa panulat ni Angelica Doctolero