Dalawa hanggang tatlong bagyo ang posibleng pumasok sa bansa ngayong buwan.
Ayon sa PAGASA, mayroong apat na common tracks ang mga bagyo ngayong huling quarter ng taon.
Karaniwang hindi nag-la-landfall ang mga ito dahil madalas tinutumbok ang hilagang-silangan ng Pilipinas patungong Japan o Korea.
Ikalawa ay ang mga bagyong tumatama sa kalupaan at dumaraan sa Northern o Central Luzon patungong Hong Kong o China, may ilan ding nag-la-landfall sa Central o Southern Luzon patungong Vietnam habang ang iba ay dumaraan ng Visayas patungo ring Vietnam.
Batay sa rainfall forecast ngayong buwan, halos normal hanggang “above normal” ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa. —Sa panulat ni Drew Nacino