Sugatan ang dalawang katao sa sunog na naganap sa road 16 na sakop ng barangay Bagong Pag-Asa sa Quezon City.
Sa inilabas na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang naturang sunog datong alas-6:07 kagabi.
Nagmula raw ito sa ikalawang palapag ng bahay ng residenteng si Charlie Dacuyan.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga nasugatan na sina Emmanuel Gaba, na nagtamo ng first degree burn sa kanyang kamay at paa; at si Delia Buatro na sugatan sa kaliwang binti.
Umabot ang naturang sunog sa ikatlong araw dahilan para tupukin ang aabot sa 30 mga kabahayan at nag-iwan ng pinsala na aabot sa P75,000.
Bandang alas-7:40 ng gabi ng maapula ang sunog.