Dalawa pang botika sa Metro Manila ang nagtuturok na rin ng booster shot para sa mga pilipinong nakatanggap ng initial shot ng bakuna kontra COVID-19.
Ito ay ang Mercury Drug sa Retiro St. sa Quezon City at isa pang branch nito sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Ang bakuna ng Astrazeneca ang ibinibigay na bakuna sa Retiro St. na tumatanggap na ng walk-in.
Dahil sa dalawang nadagdag, umaabot na sa pito ang bilang ng mga botika at dalawang pribadong clinic ang ginagawang bakunahan sa Metro Manila para sa booster shot. —sa panulat ni Abby Malanday